Wednesday, May 7, 2014





3rd week of October, Provincial Festival
 

 Isa sa mga ipinagmamalaking pagdiriwang sa probinsiya ng Bikol ay ang Catandungan Festival. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng buwan ng Oktubre. Ang naturang pagdiriwang ay kinapapalooban ng iba't-ibang gawain at palabas na sadyang masisiyahan ng bawat bikolano at mga turista.

Paano makakarating sa Catanduanes?


 MGA MAGAGANDANG POOK PASYALAN


Bato Church isa sa mga matatandang simbahan na itinayo ng mga paring Agustino. Ang simbahang ito ay nagsisilbing bahay sambahan ng mga katoliko at sentro ng gawaing may kinalaman sa pananampalataya. Makikita natin sa istruktura ng simbahang ito kung gaano kagaling sa larangan ng sining ang mga sinaunang tao at ang matibay nilang pananampalataya sa lumikha.





 At sa mga mahilig sa surfing nandiyan ang Puraran Beach na sadyang dinarayo ng mga mahilig mag-surf, makipag-unahan sa mga malalaking alon. Taon-taon ay ipinagdiriwang ang patimpalak sa surfing upang lalong mapalakas ang turismo at makita ang bawat

talento ng mga sumasali sa palaro. Bagamat mapanganib ang ganitong gawain patuloy itong tinatangkilik bilang laro at ang ibayong ingat na lamang ang kanilang ginagawa para maiwasan ang sakuna. Dahil dito lalong lumakas ang turismo at dinarayo ng mga lokal at banyagang turista.









 _________________________________________________________________________________


 Isa sa mga pinakaaabangang palabas ang street dance dahil ito ay pagpapakita ng mga kaugalian, mga paniniwala nga mga taong nakatira dito. Makikita dito ang tiyaga at talento sa kanilang mga palabas at ang uri ng mga pamumuhay meron ang mga ninuno.

Patuloy nilang isinusulong ang mga palabas na ito para buhayin ang damdaming maka- Pilipino at patuloy na maibahagi sa mga susunod na henerasyon.

photocredit: byaherosnapshots.com




 









.